Nilinaw ni Senate President Sherwin Gatchalian na wala pa siyang natatanggap na pormal na request para makalahok sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Rodante Marcoleta sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Matatandaang kasalukuyang nakakulong sina Estrada at Marcoleta para sa kasong plunder.
Ayon kay Gatchalian, narinig lang niyang pinag-uusapan ito sa iba’t-ibang forum pero hindi makakaaksyon ang senado batay lang sa mga impormasyong ito at nang walang formal request.
Nilinaw ng senate president na may pinadalang liham sa kanya si Marcoleta noong nakaraang linggo pero naglalahad lang iyon ng opinyon nito tungkol sa presiding officer ng impeachment court at tungkol sa labing anim na botong kailangan para sa paghahatol.
Bukod sa mga usaping nabanggit ay wala aniyang nakasaad para sa klarong hiling na makalahok ito sa impeachment trial.
Pinaliwanag rin ni Gatchalian na dahil sa suspensyon ng Sandiganbayan kay Estrada ay hindi pa rin ito pwedeng lumahok bilang senator-judge sa impeachment trial.
Aniya, kasama sa suspensyon bilang senador ang papel nito bilang senator-judge. | ulat ni Nimfa Asuncion