Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang pamunuan ng Sarangani Provincial Hospital, makaraang maisakatuparan ang rehabilitasyon nito, na ngayon ay maituturing nang brand-new facility.
Kasunod ito ng pinsalang tinamo ng ospital, matapos ang pagtama ng 7.8 magnitude na lindol, noong Hunyo.
Ayon kay Dr. Aileen Birion, head ng Sarangani Provincial Hospital sa Alabel, ikinalulugod nila at lubos na ipinagpapasalamat ang pagsasaayos na ito.
“Mr. President, I’m very, very happy and very, very grateful na nakapasok na po kami sa hospital,” —Dr. Birion.
Sa pagbisitang ito, nagsagawa rin ng aerial inspection ang pangulo sa lugar.
Ayon kay Dr. Birion, higit pa sa simpleng pagsasaayos ang ginawa sa ospital, at kitang – kita aniya ang improvement sa hospital facility.
“The hospital really… parang talagang it changed, not merely repaired. It’s really a brand new hospital na po talaga,” —Dr. Birion.
Aniya, mismong ang mga pasyente ang na-impress sa mga bagong pasilidad ng ospital, na magpapa-igting rin sa health service na ipinagkakaloob sa mga residente doon.
“Every patient, lahat po nang pumasok talagang na-amaze po. And we are very grateful from the bottom of our hearts,” —Dr. Birion. | ulat ni Racquel Bayan