Hindi tumitigil ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsuyod sa mga grupo at indibidwal na konektado sa pagpapaikot ng illegal na droga sa bansa at pagsawata sa mga kahalintulad na operasyon.
Sa panayam ng programang BOSES kay PDEA Spokesperson Atty. Joseph Calulut, naging mabunga ang mga isinagawang operasyon kontra illegal na droga ng administrasyong Marcos lalo na’t marami ang halaga ng illegal na droga na nakumpiska at nasira na.
Sa apat na taon ng kasalukuyang administrasyon pumalo na sa halagang ₱122.53 billion ang kabuuan ng mga drogang nakumpiska ng PDEA kung saan pinaka-malaking volume dito ang 16 na toneladang droga na kanilang nasabat.
Sa ikinasa namang nasa mahigit na 155,000 anti-illegal drugs operations ng PDEA ay may illegal drugs suspect ang nahuli na sumampa ang bilang sa 206,000 na indibidwal kung saan ilan dito ay high-value targets.
Giit ni Calulut, na sumampa ang bilang ng nasakote nilang high-value targets sa 12,000 kung saan ang iba dito ay elected officials, opisyal ng pamahalaan, at nahulihan ng malaking volume ng illegal na droga.
Pagtitiyak naman ng PDEA, na hindi sila titigil upang masawata na ang operasyon ng illegal na droga sa bansa at malambat ang mas malalaking inbidibidwal at grupo.