Binigyang-diin ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang matatag na kampanya ng administrasyon laban sa kriminalidad at lahat ng uri ng krimen sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang pahayag ay ginawa ni Castro sa gitna ng naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na sa Pilipinas ay maaari kang umupa ng gunman sa halagang ₱5,000 para magpakitil ng buhay ng isang indibidwal.
Dapat sana sabi ni Castro ay ang bise presidente ang siyang dapat na nangunguna para pigilan at hindi upang maging promotor pa sa pagkausap sa isang assassin at upahang pumatay sa isang taong kinaiinisan.
Kung mayroon aniyang alam ukol dito ang vice president ay dapat sanang tumulong ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng anumang impormasyon gaya halimbawa ng datos patungkol dito.
Tanong ni Castro, bakit kaya hindi ito nasawata kung totoo man lalo at matagal na siyang opisyal, at namuno din ang kaniyang ama bilang Presidente.