Photo courtesy of Executive Secretary Ralph Recto Facebook
Nagbabala si Executive Secretary Ralph Recto na gagawa ng legal na hakbang ang pamahalaan kontra sa mga scammer na nagpapakilalang taga Office of the Executive Secretary (OES) at nanghihingi ng salapi kapalit ang umano’y mabilis na paglalabas ng pondo para sa Local Government Support Fund (LGSF) at Socio-Civic Projects Fund.
Ayon kay Recto, hindi aniya sila mag-aatubiling magsampa ng kaukulang kasong legal laban sa sinumang mapatutunayang sangkot sa mga mapanlinlang na gawain.
Kabilang din sa mga naiulat na illegal at mapanlinlang na gawain ang pagpapatawag ng mga pekeng pagpupulong o pagtitipon at pagbibigay ng huwad na pangako ng appointment.
Pagpapanggap bilang opisyal o awtorisadong kinatawan ng LGSF at Socio-Civic Projects Fund program at iba pa.
Paalala ni Recto sa publiko, maging mapagmatiyag at tiyaking beripikado ang anumang impormasyon sa pamamagitan lamang ng kani-kanilang Local Chief Executive o ng lehitimong opisyal ng OES.