Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang kapabilidad nito upang harapin ang iba’t ibang security threats, kabilang ang Improvised Explosive Devices (IEDs).
Ito ang tampok sa isang talakayan na dinaluhan ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa isinagawang symposium na ikinasa ng Directorate for Intelligence (DI) sa isla ng Boracay.
Ayon sa PNP Chief, mahalagang matutukan ang mga pabagu-bagong istratehiya ng mga nagnanais maghasik ng gulo at takot sa publiko.
Bahagi ito ng pagpapaigting ng kanilang security protocols para protektahan ang publiko mula sa anumang insidente, lalo na sa mga pangunahing tourist destination sa bansa gaya ng Boracay.
Binigyang-diin ng PNP Chief ang kahalagahan ng mabuting ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para makamit ang iisang layunin na mapanatiling ligtas ang mamamayan, alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.