Lubos ang pasasalamat ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa mga inisyatiba ng pamahalaan upang mapalakas pa ang agri-production ng mga mangingisda at agri-stakeholders sa Pangasinan.
Ayon kay Pangasinan 1st District Representative Arthur Celeste malaking tulong ang rehabilitated post-harvest facility sa Sual Fish Port upang hindi malugi ang mga mangingisda at maging ang mga negosyante.
Sa tulong kasi nito ay makakapag-imbak na sila ng huli at mailalabas sa tamang panahon ang mga produkto ng hindi nagbebenta ng palugi.
Malaking kaginhawaan din ang processing plant sa nasabing daungan upang mapataas pa ang kalidad ng kanilang mga produkto.
Tinatayang apat na bayan ng Pangasinan ang makikinabang dito na paniguradong makapagtatala rin ng pag-unlad lalo na sa sektor ng pangisdaan.