Umabot na sa 1.24 milyon ang OFW Pass na nagawa sa pamamagitan ng eGovPH App.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan na gawing mas mabilis ang serbisyo para sa mga overseas Filipino worker.
Maaaring kumuha ng OFW Pass ang mga balik-manggagawa na babalik sa parehong employer at job site kung mayroon silang aktibo at beripikadong employment contract.
Tatlong hakbang lamang ang kailangan: una, i-download ang eGovPH App; pangalawa, magparehistro at magpa-verify; at pangatlo, i-access ang DMW Balik-Manggagawa portal upang i-generate ang OFW Pass.
Pinayuhan ng DMW ang mga OFW na tiyaking tama ang impormasyon sa kanilang mga dokumento at ID upang maiwasan ang problema sa verification.
Hinimok ng ahensya ang mga kwalipikadong OFW na gamitin ang app upang mapabilis ang pagproseso ng kanilang mga dokumento bago bumiyahe.