Nanawagan ang Philippine National Police Chief na si Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ng mas matibay na koordinasyon at mas mabilis na intelligence sharing upang mapigilan ang mga umuusbong na banta sa seguridad at terorismo.
Ito ang binigyang-diin ni Nartatez sa closing ceremony ng Improvised Explosive Device Threat and Security Symposium na ginanap sa Boracay Island, Malay, Aklan.
Dinaluhan ang symposium ng 35 kinatawan mula sa PNP, iba pang law enforcement agencies, mga ahensya ng gobyerno, at mga international partner.
Tinalakay sa aktibidad ang bomb threat management, terrorism financing, mga bagong teknolohiya, at mga banta ng improvised explosive devices (IEDs).
Hinimok ni Nartatez ang mga kalahok na paigtingin ang information sharing at koordinasyon upang maging mas epektibo ang mga operasyon sa seguridad.
Ayon sa PNP, bahagi ito ng pagpapatibay sa intelligence-driven policing, inter-agency cooperation, at international partnerships laban sa mga banta sa seguridad