Bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa Angat Dam matapos ang ilang araw na pag-ulan.
Batay sa monitoring ng PAGASA Hydrometeorology Division, umabot na sa 155.45 meters ang water level ng Angat Dam hanggang kaninang umaga.
Mas mataas ito ng 4.60 meters kumpara sa 150.85 meters na naitala noong Hulyo 30.
Gayunman, nananatili pa rin itong mas mababa sa critical low water level na 160 meters at may agwat na 54.55 meters sa normal high-water level na 210 meters.
Samantala, naitala ang 99.78 meters na antas ng tubig sa Ipo Dam at 79.14 meters naman sa La Mesa Dam.
Ayon sa PAGASA, bagama’t mababa pa rin ang water level sa iba pang mga dam, hindi naman kalayuan ang agwat ng mga ito sa kani-kanilang normal na antas ng tubig.