Panunumbalik ng usapan para sa isang bagong deal sa pagitan ng Estados Unidos at Iran, inanunsyo ni US President Donald Trump ayon sa report ng BBC News.
Ginawa ni President Trump ang pahayag habang sakay ng Air Force One.
Dahil dito, pinagpaliban muna ng U.S. Commander-in-Chief ang isang malawakang pag-atake sa Iran bunsod na din ng pakikipag-usap ng mga kaalyadong bansa sa Middle East at Iran.
Wala pang tugon ang Iran sa bagong pahayag na ito ni U.S. President Trump.