Bilang ng mga apektadong pamilya dahil sa epekto ng Bagyong Luis, umabot na sa mahigit 6,000 –NDRRMC
Umabot na sa kabuaang 6,316 ang bilang ng mga pamilya na apektadong ng Bagyong Luis sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naitala ang mga ito sa Region 5 o Bicol Region, Region 9 o Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Bukod dito, nakaranas din ng pagbaha sa pitong lugar sa Region 9 at BARMM.
Habang nasa siyam na biyahe naman ang kanselado sa Calabarzon at Bicol kung saan mahigit 400 mga pasahero ang apektado.