Mahigit 978,000 low-income SSS members ang nakatanggap na ng ₱2,000 UPLIFT assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, kabilang sila sa Group 3 beneficiaries ng programa.
Saklaw nito ang mga empleyadong may Monthly Salary Credit na mababa sa ₱20,000, may kontribusyon sa SSS noong 2025 o 2026, at may aktibong disbursement account.
Sinabi ng DSWD na direktang ipinapadala ng SSS ang ayuda sa rehistradong account ng mga kwalipikadong benepisyaryo.
Makakatanggap ang Group 3 ng ₱2,000 buwan-buwan sa loob ng anim na buwan, hanggang Disyembre.
Sa kabuuan, umabot na sa mahigit 4.4 milyong kabahayan ang nakatanggap ng UPLIFT assistance para sa buwan ng Hulyo. Layunin ng programa na tulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng energy emergency at ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.