CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v90), quality = 82?
Handang tumalima ang Manila Electric Company (MERALCO) sa naging atas ng Energy Regulatory Commission (ERC) na i-refund nito sa kanilang mga konsyumer ang nasa ₱9 na bilyong pisong sobrang nakolekta sa nakalipas na anim na buwan.
Ayon kay Atty. Jose Ronald Valles, Senior Vice President (SVP) at Head of Regulatory Management ng MERALCO, katumbas ito aniya ng ₱0.34 na sentimos kada kilowatt hour kaya’t makakakuha ng ₱0.59 na sentimos kada kilowatthour na refund ang mga residential customer.
Magugunita ani Valles na naghain sila ng dalawang magkahiwalay na aplikasyon para sa refund noong 2025 at unang bahagi ng 2026 na pagpapatuloy ng kanilang nai-refund na mula pa 2021 hanggang 2024.
Pagtitiyak ng MERALCO, mararamdaman ng kanilang mga customer ang naturang refund sa lalong madaling panahon.