Bukas ang Malacañang sa imbestigasyon kaugnay sa reklamong inihain laban kay Health Secretary Jose Pujalte Jr., na umano’y pagkakasangkot nito sa pagsusugal.
Kung matatandaan, naghain ng reklamo sa Presidential Complaint Center sa Malacañang ang grupo ng concerned citizens, kaugnay sa umano’y presensya ng kalihim sa ilang mga kilalang casino, at gumamit pa ito ng ibang pangalan, upang hindi siya makilala.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, nararapat lamang na mabusisi ang katotohanan sa mga ganitong isyu.
”Kung may ganito pong mga isyu ay dapat lang po talagang lumabas, kailangan pong maibestigahan at kung anuman po ang kalalabasan nito ay hahayaan po natin ang Pangulo na magdesisyon patungkol diyan.” — Castro.
Gayunpaman, nasa kamay na aniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pasya sa usaping ito.
Sa kasalukuyan, habang wala pa aniyang konkretong ebidensya na magdidiin sa kalihim sa mga reklamong ito, si Pangulong Marcos, patuloy na naniniwala sa kakayahan ni Pujalte na pamunuan ang kagawaran.
“Sa ngayon po na wala pa pong nailalabas na anumang, I mean concrete evidence, maliban lamang po talaga kung ito talaga ay makatotohanan na, doon lamang po kikilos ang ating Pangulo.” — Castro.