Handa na ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa epektong posibleng idulot ng habagat at Bagyong #LuisPH
Kabilang na rito ayon sa NGCP ay ang mga maaasahang kagamitan sa komunikasyon gayundin sa pagkukumpuni ng mga pasilidad nilang maaapektuhan.
Nakaposisyon na rin ang kanilang mga tauhan sa mga istratehikong lugar para sa maagap na pagtugon upang agad maibalik ang suplay ng kuryente sa mga maaapektuhang linya.
Binigyang-diin ng NGCP na nakaangkla ito sa kanilang Integrated Disaster Action Plan upang tiyaking handa ang lahat ng kanilang transmission facility sa daraanan ng bagyo.
Sa kasalukuyan, sinabi ng NGCP na nananatiling normal ang kanilang transmission lines