Nananatiling on-track at mas puspusan na ngayon ang pagpapatayo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) ng mga highly-resilient evacuation centers o mga Ligtas Pinoy Centers.
Sa panayam ng programang BOSES kay OCD Spokesperson Junie Castillo, bago pa man ang naging panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nagpapatuloy na ang pamahalaan sa pagtatayo ng mga evacuation center.
At dahil sa naging panawagan ng Pangulo sa ika-5 SONA nito ay lalo pang naging maigting ang pagtatayo ng Ligtas Pinoy Centers na makakasangga ng mga Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Naging napakalaking tulong din ng pag-institutionalize at pagbibigay ng prayoridad ni Pangulong Marcos sa nasabing batas na nagbigay ng kaukulang pondo upang maitayo ang mga matitibay na Ligtas Pinoy Centers sa mga lugar na pinaka-apektado ng mga kalamidad at sakuna.
Bunsod nito ay hindi na rin magagamit ang mga eskuwelahan bilang evacuation center dahil mayroon na talagang nakaraang lugar para sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng kalamidad at mailalagay ito sa mga lugar na siguradong ligtas sa anomang posibleng kalamidad at sakuna.