Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na maaari nang bumiyahe ang mga sasakyang pandagat sa bansa bunsod ng paghina ng Bagyong Luis at pag-alis ng sea travel suspension.
Sa panayam ng programang BOSES sinabi ni PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na bagamat inalis na ang suspensiyon ng sea travel sa mga sasakyang pandagat ay dapat pa ring mapagmatyag ang mga biyahero at mangingisda sa lagay ng karagatan dahil nandiyan pa rin ang banta ng LPA at habagat.
Pagdating naman sa narespondehan ng PCG ay isang insidente lang ang kanilang naitala ay ito ay ang lumubog na bangka ng isang mangingisda na na-rescue sa may Hagna sa Bohol.
Naging proactive din ang responde ng PCG at ng iba pang otoridad at maging ng pamahalaan kaya walang kinailangan pang i-rescue na mga residente.