Pinagtitibay ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang kampanya laban sa illegal real estate sa pamamagitan ng mas mahigpit na koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Pinangunahan nina DHSUD Undersecretaries Atty. Marisol Anenias at Atty. Roman Nicholo Molina ang 2026 Inter-Agency Meeting for the Anti-Illegal Real Estate Practices (AIREP) kasama ang DOJ, DENR, DILG, NBI, LRA, PNP at iba pang ahensya.
Tinalakay sa pulong ang illegal land sale, double selling, pekeng titulo, unauthorized mortgage at iba pang mapanlinlang na transaksyon.
Ayon sa DHSUD, kabilang sa mga naaapektuhan ang mga low-income families at Overseas Filipino Workers (OFWs) na bumibili ng bahay.
Iminungkahi rin ang pagbuo ng isang inter-agency task force para sa mas mabilis na pagtanggap ng reklamo, imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.
Layunin ng DHSUD na mapigilan ang illegal real estate transactions at maprotektahan ang mga homebuyer.