Pinalagan din ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela ang mga naging pahayag ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte laban kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. hinggil sa umano’y pag-demonize nito sa China.
Ang mahagala umano sa ngayon ayon kay Tarriela kung ano nga ba ang tinitindigan ng opisyal sa laban ng bansa sa West Philippine Sea habang patuloy ang malinaw na agresyon at harassment ng China sa mga Pilipino lalo na sa mga mangingisda.
Aniya, kung ang paninindigan nito ay hindi para sa Pilipinas kundi naka-angkla sa China ay totoong may basehan nga ang panawagan ni Sec. Teodoro na pagbibitiw ng mga opisyal na nakalinya ang ang adhikain sa agresyon at harassment ng China.