Tinatalakay na ng Department of Transportation (DOTr) at Office of the Executive Secretary (OES) ang rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa ₱20 fuel subsidy, para sa lahat ng PUV sa loob ng isang buwan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.
“So, pag-uusapan po ng Office of the Executive Secretary, DOTr and Economic Team para po mas magkaroon nang kongkreto at detalyeng resolusyon patungkol po diyan.” -Castro
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Clastro, kasama ito sa mga pinag-uusapan ng gobyerno, ngayong araw (August 4) gayundin kung mayroong pangangailangan na magbigay ng karagdagang cash aid sa PUV drivers.
“Sa ngayon ay pinag-uusapan po. Nakausap po natin mismo si Secretary Banoy at mayroon po siyang pakikipagpulong sa Office of the Executive Secretary para pag-usapan po ang mga detalye patungkol dito.” -Castro
Sa kasalukuyan, patuloy aniyang umiiral ang ₱10 per liter fuel subsidy para sa mga pampublikong tsuper.
“Pero sa ngayon po ay patuloy pa rin po, extended po hanggang katapusan ng August ang 10-peso per liter fuel discount or subsidy.” -Castro
Ayon kay Castro, isa rin sa mga mapag-uusapan ay ang panibagong fare hike petition na isinusulong ng transport group, maging ang inihahandang transport strike ng mga ito, sa susunod na linggo.