Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) ng agarang reporma sa sistema ng bansa para sa mga asylum seeker na naghihintay ng desisyon sa kanilang aplikasyon.
Batay sa ulat ng CHR para sa unang semestre ng 2025, may ilang asylum seeker na matagal nang nananatili sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang inaantay ang resulta ng kanilang mga kaso.
Ayon sa komisyon, kailangan ng mas malinaw na polisiya at koordinasyon ng mga ahensya upang matiyak ang makatao at makatarungang pagtrato sa mga naghahanap ng proteksyon.
Inirekomenda ng CHR ang legal at operational reforms para maisulong ang isang asylum system na naaayon sa obligasyon ng Pilipinas sa karapatang pantao.