Photo courtesy of DENR
Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kauna-unahang three-part e-book ng tanggapan, na layong ipakilala sa mga kabataan ang yamang dagat ng bansa at ang kahalagahan ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang kaalaman ng kabataan.
Ang paglulunsad ng “The Wonderful West Philippine Sea,” ay bahagi ng patuloy na kampanya ng gobyerno upang mas madaling maunawaan ng mga bata ang marine science, pangangalaga sa kalikasan, at environmental education.
Sa unang bahagi ng e-book na “The Wonderful West Philippine Sea with Pawi the Sea Turtle” tampok ang paglalakbay ni Pawi, isang pawikan, sa mga bakawan, seagrass beds, coral reefs, at mga pamayanang nasa baybayin ng West Philippine Sea.
“Ayon sa DENR, makatutulong ang e-book na maintindihan din ng mga kabataan ang kahalagahan ng food security, kabuhayan sa karagatan at shared heritage — at maunawaan sa simpleng paraan ang 2016 Arbitral Award,” — Castro.
Ayon kay Castro, umaasa ang pamahalaan na sa pamamagitan ng hakbang na ito, higit na mauunawaan ng bawat Pilipino, lalo na ng kabataan, ang kahalagahan ng West Philippine Sea (WPS).
“Hindi pagtatapon ng basura sa likod ng ahensya. Tiwala ang pamahalaan na sa ganitong paraan, maaalala ng bawat Pilipino at mga mambabatas — lalong-lalo na ang mga kabataan — na atin ang West Philippine Sea,” — Castro.