Maaaring maumpisahan na ng prosekusyon at depensa sa susunod na linggo ang pagbusisi sa tax at bank records nina Vice President Sara Duterte na isinumiti sa impeachment court.
Ito ang sinabi ni Senate Impeachment Court Spokesperson Attorney Reginald Tongol dahil inaasahang maglalabas na si Presiding Officer Chiz Escudero ng kaukulang kautusan para ma-access ng magkabilang panig ang bank at tax records mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Anti-Money Laundering Council (AMLC) at anim na mga bangko.
Ayon kay Tongol, maglalabas ng written record si Escudero oras na makumpleto hanggang sa August 13 ang submissions ng dalawang bangko na nanghingi ng extensions para maibigay o makumpleto ang financial records na hinihingi ng impeachment court.
Ang submissions na lang kasi mula sa dalawang bangko ang hinihintay para makumpleto na ang mga pinasabi ng dokumento dahil una ng na inspection ng impeachment court sa pamamagitan ng clerk of court ang mga natanggap na kahong-kahong bank at tax records in a Vice President Sara Duterte asawa nitong si Attorney Manases Carpio at mga negosyong iniuugnay sa kanila.
Tiniyak naman ni Tongol na may mahabang panahon pa para sa free marking ng mga dokumento dahil pinakahuli pang isasalang sa impeachment trial ang balak paggamitan nitong mga dokumentong ito partikular sa article 2 ng articles of impeachment laban kay VP Sara o yung tungkol sa paratang na pagkakaroon ng unexplained wealth o hindi maipaliwanag na yaman. | ulat ni Nimfa Asuncion