Photo courtesy of Department of Agriculture (DA)
Nananatiling sapat ang suplay ng agricultural products sa bansa sa kabila ng banta ng El Niño at pananalasa ng mga bagyo.
Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kasunod ng pangamba ng ilan na baka magkaroon ng agri-supply shortage dahil sa El Niño at mga kalamidad.
Sa isinasagawang pag-iikot ng DA katuwang ang Department of Trade and Industry, nakitang makatwiran pa rin naman at hindi lumalagpas sa itinatakdang presyo ang mga pangunahing bilihin, tulad ng karne, isda at gulay.
Sapat din ang suplay ng lokal na bigas ng bansa at nasa maayos na bilang ang imbentaryo ng bigas ng bansa.
Patuloy rin ang interbensiyon ng DA upang masuportahan at mapalakas pa ang produksiyon ng mga magsasaka.