Iginawad na ng Department of Energy (DOE) ang Year 1-Phase 1 contract sa global geophysical services firm na Metatek, para sa Philippine Gradiometry and Seismic Survey Project.
Ito ay four-year nationwide geophysical survey na inaasahang magpapalakas sa energy security ng bansa.
Aarangkada ang proyekto mula 2026 hanggang 2029, na layong makapag-produce ng high-quality geophysical datasets sa ilalim ng lupa para mas maintindihan ang subsurface geology ng Pilipinas.
Gagamitin ang datos sa exploration para sa indigenous energy resources at gagabay sa long-term energy planning.
Tiwala si Energy Secretary Sharon Garin na ang pagpapalakas sa indigenous energy resources ng Pilipinas ay makakabawas sa pagdepende nito sa imported fuels habang mapapalakas ang resilience laban sa global energy price volatility.
Titiyak din aniya ito sa mas matatag, maaasahan at abot-kaya na energy supply para sa mga kabahayan at negosyo.