Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong SONA na ihanda ang skills ng mga Pilipino para sa mga makabagong teknolohiya, inaayos na ng Department of Education (DepEd) ang master plan para pagpapatupad ng Artificial Intelligence (AI) sa mga eskwelahan.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layon ng master plan na turuan ang mga guro sa paggamit ng A.I. na ituturo rin sa kanilang estudyante.
Makikipagtulungan din ang DepEd sa pribadong sektor para palakasin ang digital literacy ng mga guro at estudyante.
Katunayan, mas murang halaga o libreng ibibigay ng private partners tulad ng Khan Academy at Ayala Foundation ang advanced A.I. tools.