Pormal nang bubuksan ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang National Youth Commission (NYC) at iba pang development partners ang ASEAN Youth Summit 2026 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, layon ng summit na palakasin ang digital literacy, online ethics, at responsible use of technology ng mga kabataan.
Isasagawa ang summit mula August 5-6 kung saan inaasahang tatalakayin ang critical digital literacy, digital resilience at mental well-being, youth empowerment sa digital governance, at paggamit ng teknolohiya para sa advocacy at innovation.
Tinatayang 300 youth leaders, institutions, development partners at mga kinatawan ng local youth sectors mula sa iba’t ibang ASEAN member states ang inaasahang dadalo.
Bahagi ang ASEAN Youth Summit ng mga aktibidad ng DSWD bilang chair ng ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC) ngayong taon, sa ilalim ng temang “Smart Youth and Innovation.”
