Panghapong klase sa Marikina at Mandaluyong, suspendido dahil sa masamang panahon
Sinuspinde ng mga pamahalaang lungsod ng Marikina at Mandaluyong ang panghapong klase sa kanilang nasasakupan.
Ito ay makaraang isailalim ng PAGASA sa Yellow Rainfall Warning ang Metro Manila bunsod ng epekto ng Bagyong #MaymayPH at Habagat.
Sa Marikina City, suspendido ang face-to-face at online classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ngayong hapon.
Samantala, sa Mandaluyong City, suspendido ang panghapong face-to-face classes mula preschool hanggang Grade 12. Magpapatuloy naman ang asynchronous o modular mode of learning.
