Pinasisiguro ng Malacañang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naa-abot ng UPLIFT assistance ang lahat ng nangangailangang sektor.
Kabilang na dito ang mga magsasaka, mangingisda, mga manggagawa sa transportasyon at konstruksyon, at iba pang empleyado na mababa ang kita.
Pahayag ito ni Executive Secretary Ralph Recto, sa gitna ng mga ginagawang hakbang ng gobyerno, upang mapababa ang epekto ng Middle East crisis sa bansa.
“Gaya ng inaasahan, patuloy na nararamdaman ng ating mga kababayan ang epekto ng kaguluhan sa Gitnang Silangan. Dapat tuloy ang trabaho, tuloy ang ayuda, at ramdam ng bawat sektor ang presensya at malasakit ng gobyerno,” ani Recto.
Kung matatandaan, una nang ipinangako ng administrasyon na su-suportahan ang mga pinakaapektado ng pandaigdigang hamon sa ekonomiya.
Lalo na ang mga naaapektuhan mula sa sektor ng transportasyon at agrikultura.
Una na ring inanunsyo ng Malacañang na simula August 15, nasa PhP12 per liter na ang fuel discount ng mga tsuper ng jeep at UV express. “Gaya ng inaasahan, patuloy na nararamdaman ng ating mga kababayan ang epekto ng kaguluhan sa Gitnang Silangan. Dapat tuloy ang trabaho, tuloy ang ayuda, at ramdam ng bawat sektor ang presensya at malasakit ng gobyerno,” -ES Recto.