Photo courtesy of DepEd
Pormal nang nilagdaan ng Department of Education (DepEd) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 12199 o ang Early Childhood Care and Development (ECCD) System Act
Pinangunahan nina Education Secretary Sonny Angara at Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang paglagda sa isinagawang ceremonial signing sa Quezon City Reception House.
Layunin nitong palawakin ang access sa serbisyong pangkalusugan, nutrisyon, at de-kalidad na edukasyon para sa mga batang mula pagsilang hanggang walong taong gulang.
Ayon kay Angara, kung seryoso ang bansa sa pagbabago ng kinabukasan nito, kinakailangang magsimula sa maagang paghubog ng mga bata.
Sa ilalim ng IRR, magkakaroon ng malinaw na mga alituntunin para sa mga lokal na pamahalaan sa pagtatatag ng mga lokal na tanggapan ng ECCD, paglikha ng mga plantilla para sa mga Child Development Worker, at pagpapatupad ng mga localized ECCD roadmap na nakabatay sa pambansang estratehiya.