Nasa Office of the Ombudsman na ang pasya kung nakikita nito ang pangangailangan na isailalim sa preventive suspension si Health Secretary Anthony Pujalte, kaugnay ng reklamong isinampa laban sa kanya.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, nasa hurisdiksiyon na ng Ombudsman ang kaso laban sa kalihim, kaya’t ito na ang dapat magpasya kung kinakailangan ang preventive suspension upang matiyak ang maayos na imbestigasyon.
“Kung nandiyan naman po ang kaso… nasa Ombudsman, okay. So, nasa hurisdiksiyon na rin po ng Ombudsman kung siya ay kinakailangan na magpataw ng preventive suspension para sa mas malinis na pag-iimbestiga sa naturang reklamo.” — Castro.
Kung matatandaan, una nang ini-akyat sa Office of the Ombudsman ang reklamo laban kay Pujalte, kabilang ang alegasyon ng umano’y pagpapahinto sa procurement para sa tuberculosis program.
Una na ring sinabi ng Palasyo na dapat lamang ma-imbestigahan ang mga alegasyon na ibinabato kay Pujalte, kabilang na ang umano’y pagkakasangkot nito sa pagsusugal.