Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang sa pinakahuling panalo ni Alex Eala sa nagpapatuloy na 2026 Canadian Open.
Ngayong umaga, natalo ni Eala ang pambato ng Estados Unidos na si Alycia Parks, kaya’t magpapatuloy na ito sa ikatlong round ng 2026 Canadian Open.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, ipinagmamalaki ng bansa at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Eala.
Aniya, ang tagumpay ng Filipina tennis star ay tagumpay ng bawat Pilipino.
“Congratulations sa ating ipinagmamalaki, mula sa ating pangulo, kay Ms. Alex Eala, ang tagumpay niyo, ang tagumpay ng ating kababayan na si Alex Eala ay tagumpay ng bawat Pilipino. Congratulations!” — Castro.