Iisang direksiyon ang tinatahak kapwa ng nasa executive at mga nasa lehislatura para sa implementasyon ng mga prayoridad na may kinalaman sa economic reforms at iba pa.
Ito ang inihayag ni Executive Secretary Ralph Recto matapos ang ikaapat na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting.
Ayon kay Recto, nagkakaisa ang dalawang sangay at para sa kahalintulad na layuning maisulong at maisakatuparan ang mga prayoridad na hakbang hindi lamang ang may kinalaman sa economic reforms.
Kasama din aniya dito ang pagpapahusay pa sa serbisyo ng pamahalaan, pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa bawat Pilipino at maiwasan ang dagdag na pasanin ng ilang sektor gaya ng mga may-ari ng ari-arian at mga negosyo.
Kaugnay nitoy kabilang sa natalakay kahapon sa LEDAC meeting ang pag-aaral para maamyendahan ang Real Property Valuation and Assessment Reform Act na makapagpapahikayat aniya ng mas maraming pamumuhunan, at matiyak ang maayos na transition sa bagong valuation system.