Patuloy ang ginagawang pakikipagnegosasyon ng pamahalaan sa US government sa harap ng kawalan pa rin ng resolusyon ng US Trade Representative hinggil sa umanoy forced labor issue ng bansa.
Matatandaang nagpataw ng 12.5% Forced Labor Tariff ang Amerika sa Pilipinas dahil sa umanoy hindi sapat na pagpapatupad kontra pagpasok ng mga produkto sa kanila na gawa mula sa forced labor.
Kaugnay nito, muling nanindigan si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi pumapasok sa forced labor ang bansa at sa katunayan ay maraming batas ukol dito.
Bawal aniya ang puwersahang pagpapatrabaho at may kalakip na kaparusahan laban sa sinomang employer na nagpapatupad nito.
Kaya aniyang patunayan ng pamahalan na mali ang akusasyon na may nagaganap na forced labor sa bansa.