Screengrab courtesy of Kapihan sa Manila Hotel
Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagkasundo na ang mga employer at mga grupo ng manggagawa na ipatupad ang ₱85 na dagdag sa minimum wage hike sa Metro Manila.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, ito ang napag-usapan sa pagpupulong ng mga employer at mga manggagawa.
Bukod dito, nagkaisa din sila na ipanawagan sa korte na alisin na ang ipinatupad na Temporary Restraining Order (TRO).
Sakaling alisin na ang TRO, ipapatupad na aniya ang wage order para sa mga manggagawa na unang naudlot dahil sa utos ng korte.
Samantala, nagpasalamat naman si Tolentino sa ibang mga employer na nauna nang nagpatupad ng wage hike kahit naglabas ng TRO ang korte.