Bumuo ang House Committee on Agriculture and Food ng isang Technical Working Group (TWG) upang pagsamahin ang ilang panukalang batas na naglalayong palakasin ang post-harvest support para sa mga magsasaka.
Ayon kay Committee Chair at Quezon Representative Mark Enverga, layunin ng hakbang na mapabuti ang kalagayan ng mga rice farmer sa bansa.
Pitong panukala ang pagsasamahin na itinutulak ang pagpapatayo ng mga makabagong imbakan, drying, milling at transport facilities.
Kabilang dito ang House Bill 3531 ni Speaker Faustino Dy III na nag-aatas sa DPWH, Department of Agriculture, at Department of Agrarian Reform na magtulungan sa pagtatayo ng mga pasilidad para sa post-harvest.
Kasama rin ang House Bill 9731 ni Antipolo Representative Phillip Conrad Acop, na nagmumungkahing magtayo ng modernong post-harvest hubs sa bawat lugar na may produksyon ng pananim.
Inaasahang mapapababa rin ng mga panukalang ito ang post-harvest losses at mapalalakas ang kita ng mga magsasaka.