Photo courtesy of Bureau of Immigration
Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Japanese national habang nagpapa-extend ng kanyang visa sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Maynila.
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, subject ng arrest warrant sa Japan ang 38-taong gulang na dayuhan dahil sa paglabag sa kanilang batas.
Nakumpirma rin sa records ng BI na nasa blacklist na nila ang dayuhan dahil sa pagigigng undesirable foreign national.
Itinurn-over sa BI holding facility ang dayuhan at mananatili doon habang pinoproseso ang kanyang deportation.