Photo courtesy of Department of Economy, Planning and Development
Nagpapatuloy ang pagsisikap ng Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) upang mapalakas pa ang kakayahan ng Public-Private Partnership (PPP) Center.
Nitong August 4, pinangunahan ni DEPDev Secretary at PPP Center Governing Board Chair Arsenio Balisacan ang isang espesyal na hybrid meeting sa DEPDev Central Office upang talakayin ang panukalang Optimization Plan ng PPP Center alinsunod sa Republic Act No. 12231 o Government Optimization Act.
Layunin ng panukalang Optimization Plan na higit pang palakasin ang kakayahan ng PPP Center na gampanan ang pinalawak nitong mandato sa ilalim ng PPP Code of the Philippines.
Inaasahang mapapalakas nito ang pagbibigay ng technical assistance sa mga implementing agency, mapapahusay ang pagsusuri at monitoring ng mga proyekto, mapapaigting ang procurement advisory services, mapapalawak ang mga capacity-building initiative, at masusuportahan ang iba pang pangunahing tungkulin ng PPP Center sa pagpapatupad ng mga public-private partnership projects and programs sa bansa.
Sa bisa ng hakbang na ito, tiyak na matutulungan pang mapasigla ang economic activity ng bansa at ma-diversify ang economic landscape ng Pilipinas.