Ibinida ng Department of Justice (DOJ) na patapos na ang kanilang imbestigasyon kay Senador Robin Padilla kaugnay ng kasong obstruction of justice dahil sa umano’y pagpapatakas nito kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Dito, sinabi ni DOJ Sec. Frederick Vida na isasama na nila sa kanilang mga nakalap na ebidensiya ang mismong pahayag ni Sen. Robin Padilla na pinayuhan niyang magtago muna si Senador Bato Dela Rosa.
Kasabay ito ng pinal na yugto ng imbestigasyon ng ahensiya sa kasong kinahaharap ni Sen. Padilla.
Matatandaang nag-ugat ang isinampang obstruction of justice case ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Padilla bunsod ng umano’y pagtulong ng senador kay Sen. Dela Rosa na makatakas sa Senate compound noong madaling araw ng Mayo 14. Sa kabila nito, may mga bali-balitang isisilbi sa senador ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs.