Malakas at matibay ang mga ebidensiya laban kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste at former Negros Oriental Rep. Jing Paras.
Ito ang naging pahayag ni National Bureau of Investigation o NBI Director Atty. Melvin Matibag, kung saan sinabi pa nito na sing-lakas ni Superman ang mga ebidensiya laban kina Leviste at Paras.
Kaugnay ito ng imbestigasyon sa umano’y tangkang character assassination laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon kay Matibag, nakaabang na ang kampo ni ES Recto sa magiging fact-finding ng NBI bago gumawa ng legal na hakbang.
Sa kabila nito, hindi pa itinuturing na suspek sina Leviste at Paras dahil itinuturing pa lang ang mga ito na persons of interest. Ngunit tanong ni Matibag ngayon kina Congressman Leviste at dating Rep. Jing Paras kung kaya ba nilang i-categorically deny na wala silang kinalaman sa nasabing character assassination, lalo’t lahat ng ebidensiya ay nagtuturo sa kanila.