Nanindigan si National Bureau of Investigation o NBI Director Atty. Melvin Matibag na ikinokonsidera nilang unreliable witnesses ang 18 Maleta Boys batay sa imbestigasyon ng NBI.
Lalo pang lumakas ang kanilang pananaw sa pagiging unreliable witnesses ng mga ito nang mag-recant o bawiin ang salaysay ng apat sa 18 Maleta Boys laban sa mga personalidad na isinasangkot nila sa maanomalyang flood control scandal.
Pagdating naman sa isyu ng paglalabas ng pahayag ng Office of the Ombudsman na si dating House Speaker Martin Romualdez ang nasa likod ng recantation ng ilan sa mga Maleta Boys, hindi na nagbigay pa ng komento si Matibag.
Giit ng NBI Director, isang hiwalay at independent institution naman ang Ombudsman at may karapatan itong maglabas ng sarili nitong mga pahayag.
Ang mahalaga sa ngayon ay nananatili ang findings ng NBI na unreliable o hindi basta-basta maaaring paniwalaan na mga testigo ang 18 Maleta Boys.