Hindi na pinagtakhan pa ni Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro ang naging recantation o pagbawi ng salaysay at mga alegasyon ng ilan sa mga tinaguriang “Maleta Boys.”
Apat sa 18 nagpakilalang ex-bodyguard ni dating Congressman Zaldy Co, o kilala rin bilang “Maleta Boys,” ang nag-recant na ng kanilang salaysay kaugnay sa maanomalyang flood control scandal.
Ani Castro, malinaw na ipinakikita nito na ito ang sinusundang style o tugtugin ng mga Duterte supporter na nagha-hire o nagbabayad pa ng mga tao para gumawa ng mga kathang-isip na kuwento laban sa Pangulo at pamahalaan.
Dagdag pa ng Palace Press Officer, hindi dapat basta malinlang o maniwala ang publiko sa naratiba ng mga ganitong nagpapakilalang witness dahil sa ipinapakalat nilang maling impormasyon.
Ang nasabing recantation ay isang malaking patunay na talagang may bahid na ang kredibilidad ng mga nagpakilalang “Maleta Boys.”