Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, patuloy na tumataas ang water level ng dalawang dam dahil sa mga pag-ulan.
Batay sa dam monitoring kaninang umaga, nasa 751.27 meters ang water level ng Ambuklao Dam, habang 574.34 meters naman sa Binga Dam.
Apat na gate sa bawat dam ang kasalukuyang nakabukas, na may taas na dalawang metro.
Samantala, bahagyang tumaas din ang water level ng Angat Dam sa 158.89 meters, mula sa 158.13 meters kahapon.
Mababa pa rin ito sa 160-meter critical water level at 180-meter minimum operating level.
Tumaas din ang water level sa Ipo Dam sa 100.28 meters at sa La Mesa Dam sa 79.37 meters. Nakapagtala rin ng pagtaas ng water level ang San Roque, Pantabangan, Magat, at Kaliraya Dams.