Inisa-isa ng Department of Trade and Industry at ng Board of Investments ang mga benepisyong makukuha ng bansa oras na maging operational na ang Pax Silica sa bansa.
Sa isinagawang briefing sa New Clark City sa Tarlac, sinabi ni Trade Undersecretary at Board of Investments Managing Head Usec. Ceferino Rodolfo ang dahilan sa pagsali ng bansa sa US-led Pax Silica Coalition.
Ani Rodolfo, isa sa mga pangunahing dahilan dito ay upang iangat pa ang domestic minerals at semiconductors value chain ng bansa.
Kaya naman, kakambal nito ang paglakas pa ng economic activity ng bansa dahil sa maraming trabahong malilikha nito at iba pang industriya sa bansa na direkta ring makikinabang sa proyekto.
Kumpiyansa rin si Usec. Rodolfo sa dadalhin nitong buhos ng pamumuhunan mula sa mga investor, lalo na mula sa labas ng bansa, na inaasahang sasali rin sa US-led Pax Silica Coalition.