Napanatili ng Police Regional Office 6 ang zero incidents sa walong focus crimes sa nakalipas na 24 oras, mula alas-6:00 ng umaga ng August 7 hanggang alas-5:59 ng umaga ngayong August 8, 2026.
Kabilang sa focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping ng motor vehicle, at motorcycle.
Samantala, 5 wanted persons at 9 indibidwal ang naaresto sa anti-illegal gambling operations, habang 3 naman ang naaresto sa anti-illegal fishing operation na nagresulta sa pagkumpiska ng mga gamit na nagkakahalaga ng ₱453,000.
Ayon kay PRO-6 Regional Director PBGEN Randulf Tuaño, bagama’t magandang senyales ang zero focus crime record, hindi ito dahilan upang magpakampante ang pulisya. Aniya, magpapatuloy ang kanilang police visibility, mabilis na pagtugon sa mga insidente, at pakikipagtulungan sa komunidad upang mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang krimen sa Western Visayas.