Matibay ang paniniwala ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na babalik si Senadora Loren Legarda at hindi tatakas sa anumang kasong mabubuo laban sa kanya.
Ito ang naging pahayag ni Remulla kasunod ng kumpirmasyon ng Senado na lumabas ng bansa ang senadora para sa isang medical leave kasama ang anak nitong si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste.
Matatandaan na inanunsyo ni Ombudsman Remulla na sasailalim na sa preliminary investigation ang reklamong graft at plunder laban sa kanya at anak na si Congressman Leandro Leviste dahil sa bigong serbisyo ng Solar Para sa Bayan, na negosyo ng kongresista.
Giit pa ni Remulla na kung hindi babalik sina Senadora Legarda at Congressman Leviste, lalo lang gugulo ang sitwasyon sa mga kinahaharap nilang kaso at imbestigasyon. Ani Remulla, kung hindi sila babalik, uuwi ang mga ito na naka-posas.