Inilagay na sa Red Alert ang Disaster Response Command Center ng Department of Social Welfare and Development dahil sa Habagat at mga umiiral na tropical cyclone system.
Epektibo ito 8:00 AM ngayong August 9, alinsunod sa memorandum ng National Disaster Risk Reduction and Management Center.
May nakahandang ₱1.61 bilyong standby funds at ₱4.44 bilyong relief resources para sa agarang pagtugon.
Kabilang dito ang mahigit 5 milyong Family Food Packs, 246,022 non-food items, at 348,354 ready-to-eat food packs.
Patuloy ang koordinasyon ng DSWD sa mga ahensya, LGU, at mga field office habang nakaalerto ang Quick Response Teams.
Ayon sa DSWD, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda upang matiyak na walang pamilyang maiiwan sa panahon ng kalamidad.