Courtesy of Presidential Communications Office
Mahigpit na minomonitor ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang epekto ng Habagat, partikular ang sitwasyon sa mga lugar na prone sa pagbaha at ang tumataas na water level sa mga dam at reservoir.
Inatasan niya ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na manatiling naka-heightened alert, mahigpit na makipag-ugnayan sa isa’t isa kaugnay ng pagpapakawala ng tubig, at magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang mga komunidad at mahahalagang imprastraktura.
Ayon kay Usec. Castro, ilang dam sa Central Luzon ang nakararanas ng spilling, ngunit patuloy na minomonitor at pinamamahalaan ang water level ng mga ito.
Patuloy namang imo-monitor ng Pangulo ang sitwasyon at titiyaking nakahanda ang mga ahensya ng pamahalaan na tumugon habang nagbabago ang lagay ng panahon.