Binuksan na ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang mga pangunahing evacuation centers bilang paghahanda sa posibleng preemptive evacuation ng mga residente.
Ayon kay Mayor Maan Teodoro, kailangang maging handa ang lungsod para sa agarang paglikas sakaling lumala ang epekto ng masamang panahon.
Patuloy namang mino-monitor ng lokal na pamahalaan ang lagay ng panahon, lebel ng Marikina River, at sitwasyon sa mga lugar na madalas bahain.
Hanggang 6:15 ng umaga, nasa 15.8 meters ang water level ng Marikina River at nananatili sa Alert Level 1.
Naka-deploy na rin ang mga rescue boat, ambulansya, at iba pang emergency assets, habang naka-preposition ang mga central kitchen upang matiyak ang agarang pagtugon at pamamahagi ng pagkain sa mga residenteng maaaring mailikas.
Samantala, nananatiling nakataas ang Red Heavy Rainfall Warning sa Metro Manila batay sa Heavy Rainfall Warning na inilabas ng PAGASA.